Advertisers

Advertisers

ARMY MAJOR PINATAY SA LOOB NG OPISINA

0 189

Advertisers

NASAWI ang isang batang opisyal ng Armed Forces of the Philippine (AFP) nang pagbabarilin sa loob ng opisina nito sa Angat, Bulacan, Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Major Dennis Moreno, 41 anyos, member of the Philippine Army, nakatalaga sa AFP-RESCOM General Headquarters, ng Barangay. San Roque, Angat.

Ayon kay Colonel Relly B. Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, 5:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa SEM278 Enterprise sa Brgy. Marungko, Angat.



Batay sa pahayag ng secretary ng biktima, nasa loob ng opisina si Maj. Moreno nang dumating ang ‘di nakikilang lalaki at pinagbabaril ang nasabing opisyal.

Mabilis naman tumakas sakay ng isang motorsiklo ang salarin sa ‘di nabatid na direksyon.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.

Ipinag-utos ni Arnedo ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) upang magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang posibleng motibo ng pamamaril.(Mark Obleada/
Thony Arcenal)