Advertisers

Advertisers

Sen. Gringo hinahanda na ang shooting ng life story

0 14

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

MAY mga bago na namang talents ang Borracho Films Productions ni Atty. Ferdinand Topacio na ipinakilala sa ilang miembro ng press people kamakailan lamang na pawang  young, pretty and sexy girlash kaya natanong ni yours truly si Atty. Topacio kung may balak ba siyang tapatan ang mga sexy stars ng Vivamax Film Productions ni Boss Vic del Rosario?

“Wala. Maliit lang ako, I mean my film production. Kaya lang gusto ko rin naman mag-build up ng mga potential stars pero hindi para makipag-kumpitensya.



“Actually ipinagpaalam ko nga ito kay Boss Vic, eh. Sabi ko sa kanya…”Boss Vic baka akalain mo kinakalaban ko kayo…hindi, ah. At ang naging sagot naman niya sa akin ay…”Hindi. You are not a competition. We are collaborators. So walang problema sa amin ni Boss Vic del Rosario,” anaging kasagutan ni Atty. Topacio sa aming tanong.

Kung sabagay, sabi nga ni Boss Vic kay yours truly, sa ating showbiz industry daw, there should be no substraction…only addition…and dream big to prosper, boom, ganerrn!

Saka in pernes mga potential stars naman ang mga newest talent ng Borracho Films tulad nina Nica Balmes, Jesy Vidal, Zelene Dizon, Aviegale Castillo, Elle Fernandez, Stella Blanca at Sean Raval.

Borracho Films Productions has new film projects na nakalinya na for showing sooner than soon tulad ng “One Dinner A Week”, “Spring in Prague” at “The Life Of A Senator” na tipong life story ni former Senator Gringo Honasan coz ito ang unang pina-preskon ng Borracho Film Productions bago ang mga newest talents ni Atty. Topacio last Monday, April 15, 2024.

Kung sabagay sabi nga ng nakararami sa madlang Pinoy napaka-colorful daw kasi ang personal at political life ni Sir Gringo lalo na nung kasagsagan ng People Power Revolution kung saan pinangunahan nito ang pagpapatalsik sa Malacanang Palace ni Ex-President Ferdinand Marcos in 1986.



Pero nagtago daw ito during the terms of former President Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo

Inaresto rin siya ng Constabulary matapos ang kudeta noong Agosto 1987 sa isang bahay sa Valle Verde, Pasig.

At siya ay nakulong sa isang barkong nakadaong sa Manila Bay ngunit nakatakas din sa kalaunan.

And the rest is now a history or pang-throwback memories na lang na yun nga ang gagawing pelikula ng Borracho Film na wala pa kaming balita kung sino ang gaganap.

Sana siya na lang coz in pernes and in person ay guwapo siya, may magandang pangangatawan at height. Matikas pa ang arrived sa true lang. Yo, what you think Atty. Ferdinand Topacio? Think and THINK BIG, ha! Para boom, kaboom! Insert smiley, u!

***

MAKI UMANI NG 100 MILYON STREAMS SA SPOTIFY

PANIBAGONG milestone ang nakamit ng breakthrough artist na si Maki matapos umani ang musika niya ng mahigit 100 million combined streams sa Spotify.

Nasungkit ni Maki ang bagong achievement matapos niyang ilunsad ang kanyang unang EP na “Tanong” tampok ang awitin na “Kailan?” at “Saan?” na umarangakada sa ika-14 pwesto sa Billboard Philippines Songs Chart.

“I can still vividly remember ‘yung time na nagjo-joke around kami with the team noong first time ko magka-1 million. Sabi ko agad sa kanila ‘oh next time 100 million na yan.’ Tapos parang tumatawa-tawa pa kami noon as if parang ‘di siya mangyayari agad. Talagang ‘di namin ine-expect,” saad ni Maki. “Never ko din talaga ‘to makakamit without the help of the team, my family and friends, and the people who support me araw-araw—yung mga zushis ko.”

Bukod dito, tampok din si Maki sa Spotify RADAR Philippines kung saan kasama niya ang 10 Filipino emerging artists sa bansa. Para kay Maki, naging inspirasyon niya ang kanyang tagumpay at mga tagahanga upang patuloy na ipamalas ang kanyang talento sa musika kahit pa may mga oras na nadi-discourage siya.

Nitong Enero, inilabas ni Maki ang latest single na “HBD” mula sa Tarsier Records na mayroon nang higit sa isang milyong stream sa Spotify.

Maging updated sa music projects ni Maki at sundan ang kanyang Spotify profile. Para sa ibang detalye, sundan ang Tarsier Records sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, and YouTube.