Advertisers

Advertisers

2 adik todas sa onsehan sa droga

0 23

Advertisers

POSIBLENG onsehan sa droga ang motibo sa pagpatay sa
Nasawi ang dalawang katao kabilang ang isang babae sa isang Construction site ng ginagawang tulay sa Pala Pala Bridge Brgy San Agustin 1 Dasmarinas City Cavite.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa din nakikilala ang dalawang biktima na isang lalaki na nakasuot ng Gray jacket, gray shorts at may taas na 5’2; habang ang isa pa isang babae na naka itim na jacket, campuflage na short at may taas na 4’11.

Sa ulat, 2:30 ng madaling araw ng makarinig umano ng sunod sunod na putok ang ilang tenants ng construction site sa ginagawang tulay sa may Pala Pala Bridge ng nasabing lugar.



Agad umano itong itinawag sa Barangay at pulisya at pagdating sa nasabing lugar nadatnan ng mga ito ang dalawang biktimang nakahandusay at kapwa duguan.

Kapwa may mga tama ito ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at narekober sa mga ito ang 1 kalibre 38 revolver, sachet na naglalaman ng shabu, timbangan ng droga at mga drug paraphernalias.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ng follow up ang pulisya hinggil sa insidente.(Irine Gascon)