Advertisers

Advertisers

AIRPORT PRESS CLUB INDUCTION OF OFFICERS 2024, PINURI NG AIRASIA PHILIPPINES

0 16

Advertisers

NAGPAHAYAG ang AirAsia Philippines ng malakas na suporta sa Airport Press Club (APC) na naging ‘mover and catalyst’ nang pagbabago sa paghubog ng airline at aviation industry sa loob ng mahigit 60 taon na ngayon.

Sinaksihan noong Miyerkules ( May 8,2024 ) ng AirAsia sa pamamagitan ng Communications and Public Affairs Department nito ang paglalagay ng bagong set ng APC officials na pinangunahan din ni New NAIA Infra Corp. General Manager Angelito Alvarez at MIAA General Manager Jose Eric Ines. Pinuri rin ng airline ang organisasyon para sa walang pinapanigan nitong pag-uulat lalo na sa iba’t ibang isyu na nakakaapekto sa buhay ng mga manlalakbay sa himpapawid.

“The Airport Press Club has always been a reliable partner of AirAsia in effectively communicating our mission of democratizing air travel. Through their responsible, fair and accurate reporting, we are assured that travelers and other stakeholders in the aviation industry make well-informed decisions. We look forward to further nurturing our good relations in the years to come”, pagbabahagi ni First Officer Steve Dailisan ng AirAsia Philippines Head of Communications and Public Affairs.



Nagpasalamat ang Airport Press Club sa pamumuno ni President Ariel Fernandez sa AirAsia Philippines sa pagtitiwala at pagbibigay ng pagkakataon na gumawa din ng pagbabago para sa higit na kabutihan ng publiko.

“Patuloy naming itataguyod ang AirAsia at ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng aming prangka, walang kinikilingan, at maimpluwensyang pag-uulat,” dagdag ni Fernandez.



Ang pakikipagtulungan ng AirAsia at APC ay higit pa sa pagbabahagi ng mga kaugnay na balita at impormasyon. Sa panahon ng mga kalamidad at natural na sakuna, ang AirAsia at APC ay matibay na katuwang sa pag-abot sa mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng iba’t ibang corporate social responsibility initiatives. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">