Advertisers

Advertisers

Vice mayor todas sa sumemplang na motorsiklo

0 10

Advertisers

NASAWI ang bise alkalde ng Bacacay, Albay nang maaksidente ang minamaneho nitong motorsiklo sa kahabaan ng highway ng Barangay Hindi ng bayan Linggo ng gabi.

Sa ulat, ilang araw na-comatose habang nasa intensive care unit ng UST Hospital at nitong Miyerkoles ng umaga pumanaw ang mabait at pilantropong vice mayor na si Carlito Bercasio.

Sa report, 10:00 ng gabi sakay ng kanyang motorsiklo si Bercasio at habang binabagtas ang kahabaan ng highway ay nawalan ng kontrol at sumemplang, nabagok ang ulot nito sa sementadong kalsada.



Mabilis na sumaklolo ang mga pulis at dinala sa Cope General Hospital sa Tabaco City, pero dahil sa maselang lagay inilipat ito sa mas malaking pagamutan sa Legazpi City kungsaan ito nasawi.

Hindi pa malinaw sa imbestigasyon ang dahilan ng aksidente. Base sa nakuhang kopya ng CCTV camera, parang iniwasan bigla ng opisyal ang kalabaw sa kalsada habang isa pang anggulo ay baka inatake ito sa puso habang nagmamaneho.