Advertisers

Advertisers

Higit P56m shabu nasabat sa balikbayan boxes mula Thailand

0 12

Advertisers

AABOT sa mahigit P56 million halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency, at Manila Container Port na nakasilid sa mga balikbayan box.

Sa ulat, nagmula sa Thailand ang droga na nakasilid sa misdeclared balikbayan boxes bilang household items, sapatos, at motorcycle parts.

Nang isailalim ang mga bagaheng ito sa X-ray scanners, tumambad sa mga operatiba ang plastic pouches na naglalaman ng shabu na nakatago sa loob ng 2 electric fans, at 5 water heaters.



Aabot sa kabuuang 8.30kg ang shabu na nagkakahalaga ng P56.40 million.

Nahaharap sa mga kaukulang kaso na may kaugnayan sa iligal na droga ang consignees, senders at recipients ng naturang balikbayan boxes.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">