Advertisers

Advertisers

Kawani ng PDEA tinodas sa tapat ng bahay

0 22

Advertisers

Nasawi ang isang kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 nang malapitan barilin   sa tapat ng kanilang bahay ng hindi pa kilalang salarin nitong Sabado ng madaling-araw, Mayo 11 sa bayan ng Cotabato.

Kinilala ang biktimang si Peter Estelloso, 39-anyos, office staff ng PDEA-12 at residente ng Purok 1 sa Barangay Poblacion, Tulunan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tulunan Municipal Police Station, 3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa labas ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.



Ayon kay Capt. April Rose Soria, hepe ng Tulunan-MPS, nasa tapat ng kanilang bahay ang biktima ng bigla na lamang itong lapitan ng salarin at pinagbabaril.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa hindi pa batid na kalibre ng armas ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya para alamin ang tunay na motibo sa krimen para sa pagkakakilanlan sa salarin at pagdakip dito.