Advertisers

Advertisers

E-marketplace procurement system aprub na kay PBBM

0 8

Advertisers

APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang marketplace procurement system ng Department of Budget and Management (DBM).

Nangyari ito sa isinagawang sectoral meeting nitong Martes ng umaga na pinangunahan ni PBBM kung saan inaprubahan na nga ang sistema alinsunod sa modernisasyon at mga pagbabago sa Philippine Government Electronic Procurement System.

Matatandaan na noong Agosto ng nakaraang taon, sa isang pagpupulong tungkol sa mga iminungkahing pagbabago sa RA 9184 o ang Gov’t Procurement Reform Act, inatasan ni Pangulong Marcos ang DBM na pag-aralan ang pagsasama ng lahat ng mga produkto tulad ng mga sasakyan, gamit sa opisina, heavy equipment, at iba pa sa e-marketplace.



Sinabi rin ng Pangulo na ang procurement ng gobyerno ay dapat maging kasing dali at transparent tulad ng commercial online shopping.

Nabatid na inilahad ng procurement system-DBM ang karagdagang features at status ng pagpapatupad ng virtual store ng gobyerno na inaprubahan ni Pangulong Marcos at inaasahang magkakaroon ng pilot run bago sumapit ang Hulyo ngayong taon. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">