Advertisers
NILINAW ng Meralco na mas mababa ang dagdag-singil sa kuryente ngayong Mayo kung ikukumpara sa naitala noong buwan ng Marso.
Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na mas mababa ang ipinataw na dagdag-singil sa konsumo ng kuryente ngayong buwan kumpara sa buwan ng March power rate .
Sa ginanap na Quezon City Journalist forum sinabi ni Zaldarriaga, ang power rate increase ay hindi gaya ng kanilang projected rates para sa buwan ng Mayo dahil nasolusyonan ang epekto ng matinding init ng panahon sa metro manila.
Kaugnay nito binigyan diin ng Meralco official na nagawa nilang mabalanse ang sitwasyon sa suplay ng kuryente dahil sa kanilang diverse portfolio of support, gaya ng sourcing sa wholesale electricity spot market o wesm at sa kanilang bilateral contract agreement sa mga power cooperatives.
Ayon pa sa opisyal ang kahandaan ng mga ilp groups o interruptible load program na nakaantabay sakaling kulangin ang suplay ng kuryente sa kanilang mga konsyumer.
Ang ilp ang tumutulong para paandarin ang malalaking generator sets upang matulungan ang mga sektor at maibsan ang naitatalang yellow at red alert status sa luzon at visayas grid. (Boy Celario)