Advertisers

Advertisers

Mid-year bonus ng govt. workers matatanggap ngayong Mayo 15

0 15

Advertisers

IBINIDA ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na simula ngayong Miyerkules, Mayo 15, 2024, matatanggap na ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ang kanilang mid-year bonus.

Sinabi ni Pangandaman na ang bonus na ito ay katumbas ng isang buwang basic pay at ibibigay sa mga kawani na nasa pamahalaan nang hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon.

Dapat nasa serbisyo pa rin ito ng gobyerno mula Mayo 15 at nakatanggap ng hindi bababa sa satisfactory performance rating sa pinakahuling performance appraisal.



Dagdag pa ni Pangandaman, ang mid-year bonus ay para sa lahat ng civilian personnel, kasama ang regular, casual, at contractual employees.

Sakop din nito ang mga appointive o elective positions, maging full-time o part-time, sa Executive, Legislative, at Judicial branches, Constitutional Commissions, iba pang Constitutional Offices, State Universities and Colleges (SUCs), at Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) na sakop ng Compensation and Position Classification System (CPCS), pati na rin ang mga local government units (LGUs).



Kasabay nito, nagpaalala si Pangandaman na ang benepisyong ito ay hindi lamang para sa civilian personnel kundi pati na rin sa mga military at uniformed personnel, kabilang ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Public Safety College, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

Para sa mga kawani sa mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay, ang alokasyon ng mid-year bonus ay itatalaga ng kanilang mga sanggunian, alinsunod sa mga kondisyon ng patakaran sa ilalim ng DBM Budget Circular No. 2017-2. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">