Advertisers

Advertisers

LOOK WHO’S TALKING SEN. JINGGOY ESTRADA SIR?

0 31

Advertisers

Mukhang nag failed nang paulit- ulit ang actor turned senator na si JINGGOY Estrada sa kanyang all- out effort na idiskredito ang whistle- blower na si ex- PDEA agent Jonathan Morales sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Sen.Bato dela Rosa.

Nakalimutan siguro ni Sen.Jinggoy na mas malala ang sitwasyon nya kesa sa inaakusahang si Morales na ayon sa senador ay walang kredibilidad na tumestigo sa Senado.

Look who’s talking Sen.Jinggoy.



Si Morales ay isang testigo lamang o resource speaker na inimbitahan ng Senado at kung may kaso man siyang kinakaharap,ikaw ba Senator Jinggoy ay wala?

Di ba convicted ka nga at nakulong pa!



The nerve of you para magmalinis at kuwestiyonin ang pagkatao ni Morales

Wala kang kahit gatiting na karapatang magmalinis at umastang bayani.



Convict ka nga eh,pasalamat ka at nasa laya ka and worst umaakto ka pang senador.

Sino ang mas nakakahiya?

Naniniwala na talaga akong sadyang natural sayo ang pagiging makapal ang mukha.

Akala mo ba Mr. Senator,sa pagtatanggol mo kay PBBM ay makakalusot ka na sa conviction mo for bribery!

Yan ba ang pangako sayo ng Malacanang para magpakabayni ka at i- demolish si Morales?

Obvious Sen.Estrada sir!

Di umubra ang pagiging artista mo hehehe.

Itanong mo pa kay Mayor Francis Zamora.

Nasira raw ang sikmura ng mga taga San Juan City Hall nang mapanood ka sa TV na naglilitanya.

Marami nga sa mga city hall employees ng San Juan ang nasuka.

Di mo ba ramdam Sen.Jinggoy na kaya ka lang nanalo bilang senador noong nakaraang eleksyon ay dahil sa nakisingit ka at nagpakapal ng face sa pagsama- sama at pakikisakay sa Team Unity na ang numero unong drawing factor ay ang karisma ni VP Inday Sara Duterte.

Kakampi ka lang,sa kamukha mo ring mabantot at nangangalingasaw ang pagkatao.

Susmaryosep naman!

Anong kabobohan yan!

Sa bagay,para kang dikya sa dagat na naghahanap ng makakapitan.

Kung si FL Liza nga ang kausap mo para gawin ang comedy stance na yan sa Senado, lalo mo lang binaon ang political career mo sa hukay hehehe!

Sabagay nga, kapit ka na sa patalim pero ang sumakay sa isang papalubog na barko is a very wrong move.

May pera- pera bang involved Sen,Jinggoy sir o sumasakay ka lang sa isang hungkag na pangako o paasa.

Mabubudol ka nyan hehehe!

Your glory days are over!

Wala ka ng mabobola at mapapasakay pa.

Markado ka na rin sa mga Duterte at sa mga botanteng napaikot mo ng paulit- ulit.

Your greatest mistake ay magpagamit sa isang isinusukang personalidad na katulad mo ring kinamumuhian ng sambayanan.

Pero you are worst than them!

Dahil kitang kita ang motibo mo by trying to save your own ass.

Ngayon ko napatunayang mas marami palang walang kuwentang tao sa Senado kesa sa kulungan.

Tila nakatapat si Ginoong Estrada sa katauhan ni Morales dahil kung barubal magtanong ang senador,barubal din sinagot ito ng ex- PDEA agent.

Gaya ng kasabihan Pinoy…lahat ng palayok ay may katapat na suklob!

Let’s all watch this unfolding drama, or shall we say komedya con zarzuela dyan sa Senado.

Bilib lang tayo sa tapang nitong si Morales,hiniya nito si Sen.Jinggoy sa mismong teritoryo ng mayabang na senador.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com