Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, pinangunahan ang distribusyon ng ayudang pinansyal sa mga needy public school students

0 11

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang distribution ng financial assistance para sa needy public school students sa lungsod.

Sinamahan si Lacuna nina Manila department of social welfare chief Re Fugoso at Vice Mayor Yul Servo sa distribusyon ng nabanggit na ayudang pinansyal sa ilalim ng city’s Educational Assistance Program (EAP) na ginawa sa San Andres Sports Complex, Malate, Manila.

Nabatid kay Fugoso na ang mga recipients na nasa 1,663 ang kabuuang bilang ay tumanggap ng P5,000 bawat isa at nagmula sa Districts 1,2,3,4 ,5 6 at Baseco. Sila ay mga public elementary students at mga bata na kailangan ng special protection.



Sa kanyang talumpati, umapela si Lacuna sa mga magulang na huwag gamitin ang pondo sa ibang bayarin tulad ng electric o water bills o pambayad ng utang.

“Bagama’t hindi kalakihan, ang tulong na ito ay aming ibinibigay para kahit paano ay maibsan ang inyong pangaraw-araw na pangangailangan,” pahayag ng alkalde, at sinabi na bagamat libre ang edukasyon ay may mga bayarin pa rin na na lumilitaw.



“Sana ay gamitin ninyo ito sa pangangailangan ng mga anak ninyo,” saad nito, sa kabilang banda ay umapela din siya sa mga estudyante na sikapin na ipagkapuri at ipagmalaki sila ng kanilang magulang sa pamamagitan ng pagkatapos ng kanilang pag-aaral upang makaahon sa hirap.

“Mag-aral lang kayo dahil ‘yan ang regalo sa inyong mga magulang na ginagawa lahat para lang matustusan ang inyong mga pangangailangan. Wala nang iba pang masaya pag kayo ay makapagtapos ng pag-aaral,” pahayag pa ni Lacuna.



Idinagdag pa nito na: “Napakalaki ng learning gap ng ating mga anak at apo kaya gusto po namin sa pagkakataon na ito na paliitin ang learning gap… mabigyan kayo ng karagdagang tulong para mas matustusan nyo ang pangangailangan ng mga bata kaya pagdamutan sana ninyo ang aming nakayanan.” (ANDI GARCIA)