Advertisers

Advertisers

Motoristang dalaga patay sa ambush

0 24

Advertisers

Agad na namatay sa mga tama ng bala ang 24-anyos na dalaga nang tambangan ng armadong kalalakihan sa Purok Tomasa sa Barangay Calumpang sa General Santos nitong gabi ng Martes, May 14, 2024.

Kinilala ang biktima na si May Anne Tezado.

Sakay ng kanyang motorsiklo si Tezado, pauwi sa kanyang boarding house sa Barangay San Jose, General Santos City ng barilin ng mga lalaking magka-angkas sa motorsiklo na nakabuntot sa kanya.



Ayon sa inisyal na ulat ng General Santos City Police Office, mabalis na tumakas ang mga salarin sakay na kanilang motorsiklo.

Hindi naman tinangay ng mga salarin ang motorsiklo ni Tezado.