Advertisers

Advertisers

Coco inalay kay Jaclyn at Deo ang naiuwing parangal ng ‘Batang Quiapo’ sa Guillermo Awards  

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PINARANGALAN ang FPJ’s Batang Quiapo bilang Most Popular TV Program sa Primetime Drama category sa katatapos lang na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards 2024.



Inalay ng bida sa FPJ’s Batang Quiapo na si Coco Martin ang natanggap na award sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose, naging bahagi ng nasabing action-series, at sa namayapa ring Dreamscape head na si Deo Endrinal.

Sabi ni Coco,”Sobra kay Sir Deo, kay Mama Jane.



“Sa lahat ng bumubuo, sa lahat ng boss ng ABS-CBN na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa amin upang magkatrabaho ang mga kasama natin sa industriya.

“Para sa iyo ito, Mama Jane.”



Ang tinutukoy ni  Coco na Mama Jane ay si Jaclyn, na ang tunay na pangalan ay Jane Guck.

Pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 noong March 2, 2024; habang si Deo ay pumanaw sa edad na 60 noong February 3, 2024.

Inalay din ng Kapamilya aktor ang award sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa FPJ’s Batang Quiapo.

“Masaya ako para sa buong team ng Batang Quiapo.

“Siyempre sobrang sarap sa pakiramdam dahil sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.

“Sobra akong nagpapasalamat sa team, sa lahat ng directors, sa lahat ng mga scriptwriters, creative, staff, and crew.

“Sobra kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga taong sumusubaybay at tumatangkilik gabi-gabi.”

***

NOONG Huwebes, May 16, sumakabilang-buhay na ang ama ng komedyante na si Lassy Marquez. Ibinahagi niya ang malungkot na balita sa kanyang Facebook account.

Kalakip ng post ni Lassy ang kanyang pagyakap sa ama habang nakahiga ito sa hospital bed.

“Paalam DADA ko. [crying and broken heart emoji] Mahal na mahal kita at mahal na mahal ka namin alam mo yan. Maraming Salamat sa memories at pagmamahal mo sa amin bilang isang ama.

“Hinding hindi kita malilimutan kahit kailan. [heart emoji] Tatandaan ko ang mga huling habilin mo bago ka pumanaw. At ako na rin ang bahala sa pamilya natin lalo na kay mama. Kaya wag kang mag alala. At gabayan mo lang kami lagi. Hanggang sa muli Dada ko. Mahal na mahal kita,” saad ni Lassy sa kanyang post.

Nagpasalamat din si Lassy sa lahat ng nagpaabot ng kanilang dasal para sa kanyang ama.

Sa hiwalay na post ay sinabi ni Lassy na miss na agad niya ang kanyang ama.

“Dada sobrang namimiss kita ngayon. Ang sakit sakit. Ang bigat. Lord God Kayo napo ang bahala sa aming buong pamilya. Bigyan nyo po kami ng lakas,” sey niya sa latest post.

To Lassy, our condolences!

***

NU’NG natikman namin ang iba’t ibang flavor ng croissant sa IJO Bakery sa Lipa City ay sobra kaming nasarapan. In fairness, ito na  yata ang pnakamasarap na croissant na natikman namin. Hindi namin alam kung anong sikreto ng IJO Bakery sa paggawa ng ganitong kase ng croissant. Balita nga namin, kahit si Sarah Geronimo ay paborito ang croissant dito. Talagang dinarayo niya ang IJO Bakery makabili lang ng paborito niyang croissant.

Ang Lipa ay may slogan na #EatPrayLoveLipa.