Advertisers
BINALOT ni Paris-bound gymnast Carlos Yulo ang kanyang kampanya sa 2024 Asian Gymnastic Union Men’s Artistic Gynnastic Championship Linggo sa Uzbekistan ng dalawa pang gintong medalya mula sa vault at parallel bars.
Nangibabaw si Yulo sa vault sa iskor na 14.883, dinaig ang podium finishers Abdulaziz Mirvaliev (14.783) ng Uzbekistan at Malaysia’s Muhammad Sharul Aimy (14.466), at kababayang Juancho Miguel Besana na nagtapos fourth may oras na 14.150.
Sa parallel bars event, umiskor si Yulo ng 15.133 para masungkit ang gold,habang ang pambato ng China Dehang Yin Yin (15.033) at local bet Rasuljon Abdurakhimov (14.866) lumapag sa second at third, ayon sa pagkakasunod.