Advertisers

Advertisers

Mayor Along nagpasalamat sa Sy siblings sa pagbubukas ng SM Third mall sa Caloocan

0 14

Advertisers

Nagpahayag ng pasasalamat si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa SM Supermalls at sa Sy Siblings nang magbukas ang retail giant ng isa pang lokasyon sa Bagumbong, Caloocan City – North noong Huwebes, Mayo 16.

 

Binigyang-diin ng lokal na punong ehekutibo ang patuloy na pagtitiwala ng maraming malalaking negosyo sa mga kakayahan ng pamahalaang lungsod at tiniyak sa kanyang mga nasasakupan na ang mga epekto ng mga pamumuhunang ito lalong magpapalakas sa umuusbong na ekonomiya ng lungsod.



 

“Muli po akong nagpapasalamat sa SM Malls sa patuloy na pagtitiwala sa lakas ng ekonomiya ng ating lungsod.”



 

“Ang tuloy-tuloy na pagtitiwala at pagpasok ng mga malalaking negosyo sa atin ay patunay na nasa tamang direksyon ang ating lungsod” wika ni Along.



 

Binati rin ni Mayor Along ang kanyang mga nasasakupan, lalo na ang mga naninirahan sa North Caloocan dahil nakikita niya ang pagbubukas ng bagong SM mall bilang patunay na ang nasabing lugar talagang umunlad sa isang highly-urbanized at economically-viable na lokasyon.

 

“Siyempre, natutuwa po tayo para sa mga kababayan natin sa North Caloocan. Dati, ‘bukid area’ ang tawag sa lugar na ito, ngunit ngayon, dahil sa epekto ng mga programa, napakalaki ng ipinagbago at talagang mas maunlad kaysa dati,” pahayag ni Mayor Along.

 

Ang bagong mall, na angkop na pinangalanang SM City Caloocan, ang ikatlong SM Mall sa lungsod, pagkatapos ng SM City Sangandaan at SM City Grand Central.

 

Bukod kay Mayor Malapitan, Vice Mayor Karina Teh, Diocese of Novaliches Bishop Roberto Gaa, SM Investments Vice Chairperson Teresita Sy Coson, SM Engineering Design and Development President Hans Sy Jr., SM Markets Executive Director Hendrik Sy, SM Markets Executive Director Herson Sy, AVP SM Supermalls Special Events Assistant Vice President Hanna Carinna Sy, SM Supermalls President Steven T. Tan, Planning and Design Division.

 

Dinaluhan din ang blessing ng SM’s 86th mall nina Highlands Prime, Inc Assistant Vice President Harvey Sy at SM Supermalls Marketing Senior Vice President Joaquin San Augustin.(BR)