Advertisers

Advertisers

BRGY. CHAIRMAN NG MUNTINLUPA CITY, TODAS SA RIDING IN TANDEM

0 49

Advertisers

ISANG Barangay Chairman ang nasorpresa nang pagbabarilin siya ng isa sa dalawang magkaangkas na lalaki lulan ng motorsiklo sa tapat mismo ng isang shoe store na nasa kahabaan ng Manuel Quezon Street, Barangay Buli, Muntinlupa City.

Ang biktima ay nakilalang si Ronaldo Loresca y Lopez, Brgy. Chairman, naninirahan sa 47 Manuel L Quezon Street Purok 1, Brgy. Buli, Muntinlupa City.

Pinaghahanap ngayon ng Muntinlupa City Police Station ang dalawang suspek, isa ay nakasuot ng Jor Ride Shirt habang ang kasama nito ay nakasuot ng black t-shirt. Sila ay tumakas lulan ng motorsiklo na patungo sa direksyon ng Sucat area.



Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cupang Police Sub- Station, ang insidente ay naganap bandang alas-10:16 ng gabi ( May 22) sa tapat ng Sole So Blessed Sneakers and Apparel na matatagpuan sa 195 Manuel L . Quezon Street, ng naturang barangay.

Ayon sa saksi na si Domingo Rosell Y Papa, 67 years old, married, Ex Kagawad, nakatira sa Espeleta Street, kasama nila ang biktima na nakaupo sa tapat ng tindahan nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang dalawang lalaki kung saan isa dito ang bumunot ng baril at makailang ulit na pinaputukan sa katawan ang biktima.



Ang dalawang suspek ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Sucat road habang ang biktima ay agad na isinugod sa Asian Hospital subalit makalipas ang ilang oras ay binawian ng buhay.

Samantala, mariing kinondena ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang ginawang pagpatay sa kanilang Punong Barangay at inatasan ang Hepe ng PNP- Muntinlupa ang agarang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin.



Ayon sa Alkalde, walang puwang ang karahasan sa kanilang lungsod kung saan ay tiniyak nito na makakamit ng mga naulila ng biktima ang hustisya. (JOJO SADIWA)