Advertisers
Kulong ang 33-anyos na binata nang bugbugin ang 72-anyos na ina sa labas ng kanilang tahanan sa Quezon City noong Miyekoles ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Joseph Bravo, 33, residente ng No. 160 Lagkitan, Compound, Brgy. Sauyo, Quezon City.
Sa report ng Talipapa Police Station 3, ng Quezon City Police District (QCPD), 4:30 ng hapon (May 22) nang gulpihin ng suspek ang kaniyang ina na si Erlinda Bravo, 72, sa harap ng kanilang bahay.
Una dito, nagtungo sa barangay hall ng Sauyo ang biktima para asikasuhin ang kanyang senior citizens documents.
Pagdating sa bahay, sinigawan ni Joseph ang ina at sinabihan ng “P….mo! San ka nagpunta?!.
Nang hindi sumagot ang ina nagalit ang suspek at nilapitan ang biktima saka binugbog habang nagbibitaw ng salitang “P…..mo! Papatayin na kita ngayon dito!!
Dito na nawalan ng malay ang biktima hanggang sa itakbo ito ng dalawang babaeng kapatid ni Joseph sa Quezon City General Hospital.
Inaalam ng pulisya kung nasa impluwensiya ng illegal drug o alak ang suspek.(Almar Danguilan)