Advertisers
MULING naantala ang laban ng Filipino fighter Denice Zamboanga matapos umatras ang defending champion Thailander Atomweight MMA World champion Stamp Fairtex sa kanilang ONE 167 title fight dahil sa torn meniscus.
Dapat na maglaban sina Zamboanga at Fairtex sa Hunyo 8 sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand.
Natamo ni Fairtex ang nasabing injury sa panahon ng kanyang training na nagpilipit ang kanyang tuhod ng bumagsak na nakakailang.
“I’m sorry that I didn’t get on stage for everyone to cheer on. I worked hard, and I was very focused for this fight. [But] accidents can happen all the time,” Sambit ni Stamp sa statement.
“I promise that I’ll do my best [in] therapy, and I’ll come back the best as well,” dagdag ng 26-year-old, na bitbit ang 11-2 win-loss slate, nakasakay sa three-fight win streak.
Samantala, ang 27-year-old, Zamboanga hawak ang 10-2 rekord at two-fight win streak.
Ito ang pangalawang pagkakataon na nakansela ang laban nina Zamboanga at Fairtex.