24 Kandidata sa ‘Miss Manila 2024’ pang-international ang kalibre
Advertisers
KAHIT isabak na bukas sa kahit na anong International.Beauty Contest ang 24 na opisyal na naggagandahang kandidata sa ‘Miss Manila 2024’ ay paniguradong hindi mapapahiya ang bansa, lalo na ang Maynila dahil sa maliban sa ganda ay ubod pa ng talino ng lahat ng kandidata na 24 na prominenteng lugar sa Maynila.
Sa isinagawang official sashing, contract signing at press conference ng Miss Manila 2024 ay nabatid na ang mga kandidata na ay pawang mga estudyante, professional architect, professional doctor at psychometrician at lumaki sa ibang bansa, ay may nagkakaisang layunin sa kanilang pagsali sa ‘Miss Manila 2024’ ay ito ay ang maging embodiment kung ‘ano, sino at bakit’ ng tunay na na Miss Manila.
Mula sa orihinal na 60 na nag-apply ay rumesponde sa tawag ng Miss Manila 2024, 24 na kandidata ang pinalad at opisyal na maging kandidata ng taunang timpalak pagandahan. Ang nasabing mga kandidata ay dumaan sa butas karayom dahil sa mga prosesong pinagdaanan ng mga ito.
Ang 24 na kandidata na pawang mga woman of worth sabi nga ni Mayor Honey Lacuna ay “dapat na maging simbulo kung sino, ano ang tunay na Manileña. She must also embody na values and empowerment of leadership.”
“For the few who are chosen, be proud when you wear them (sash) for they symbolized not only beauty but also resilience, as you have already hurdled one major chapter and are about to go through another test of endurance,” pahayag pa ng lady mayor.
Idinagdag pa ng alkalde na …”This is your shining moment and when you walk up to the stage make sure you shine the brightest. Slay them with your beauty and charm and make sure they would be rejuvenated by your grace and intelligence.”
Sa kanyang personal na komento matapos na iharap sa media Ang 24 na official candidates ng Miss Manila 2024 ay sinabi ni Charlie Dungo, Chief ng Department of Tourism, Culture and Arts od Manila (DTCAM)…’labanan to ng utak. Lahat sila ay pare-parehong magaganda, wala kang itatapon kaya utak ang na ang labanan dito.”
Ang paghahanap sa potensyal na kandidata sa Miss Manila 2024 ay nagsimula sa mga Manila campus mula Abril at Mayo sa tulong ng Cream Silk Hair Care Institute at Ms. Karen Agustin Ostrea, Bb. Pilipinas Universe 2002 na nagbigay ng pananalita tungkol sa personality development.
Bago napili ang 24 na opisyal na mga kandidata, sila ay sa kagalang-galang na panel of screeners na binubuo ng nina Ms. Michelle Arceo, 2nd Runner Up ng Reina Hispano Americana 2023, Mr. Gerry Diaz of Aces and Queens, Mr. Rodgik Florez of Kagandahang Florez, Tita Lavinia of Titas of Pageantry and Mr. Charlie Dungo of the Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM).
Ang official 24 candidates ng Miss Manila 2024 ay ang mga sumusunod: Trina Martinez – Abad Santos, Victoria Isabela Bobier – Arlegui, Mikaela Rachele Orense- Arroceros, Lienel Navidad – Daguoan Ext., Dindi Dianne Gibaga – Don Bosco, Jubilee Therese Acosta – España, Jeriza Uy – Gagalangin, Shefally Daime Valencia – Gastambide, Mary Angela Lim – Labores, Sandra Moustafa – Legarda, Sunshine Gabuat -Malate, Leean Jame Santos – Manuguit, Trisha Rosales – Morayta, Imee Soyangco – New Panaderos, Sofia Nina Cornejo – Otis, Charyzah Espanago – Old Sta Mesa, Jasmine Paguio – Paco, Estephanie Ladignon – Pandacan, Ednalyn Gunio – Quiapo, Christine Banzon – Sampaloc, Amanda Kay Rhodes – San Andres, Xena Ramos – Sta Ana, Aliya Rohilla – Sta Cruz, Daniella Mazen Moustafa – Tayuman.
Nakatakda ang coronation night sa June 22, 2024 sa Metropolitan Theater kung saan si Miss Universe 2018 ang magsisilbing host sa ikalawang taon.
Ang Miss Manila ay proyekto ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) sa pakikipagtulungan ng KreativDen Entertainment. (ANDI GARCIA)