Advertisers

Advertisers

Allysa ang Jawo ng volleyball!

0 5

Advertisers

Para sa batikang sportscaster na si Noel Zarate ay si Allysa Valdez ang counterpart ni Robert Jaworski sa volleyball.

Yan ang deklarasyon ng play by play announcer sa mga sports tv coverage nang maging piling-piling panauhin natin sa OKS@DWBL noong Lunes.

Kung gaano raw kasi kahusay sa laro at kabait si Big J sa mga fan ay ganoon din si Valdez.



Si Jaworski kasi mula noon ay handa parati pumirma ng autograph at mag-pose para sa camera ng mga tagahanga

“ Hindi umaalis yan habang may mga gusto pang makipagkodakan sa kanya,” wika ni Zarate.

“Ganya din si Allysa, hindi nang iiwan ng follower na nais makipag-selfie,” dagdag ng anak ng yumaong aktor na si Ernie Zarate.

Ilan beses natin nasaksihan ang eksenang ganyan sa ama ni Vice Mayor Dodot.

Nakita natin kung paano itrato ng dating senador ang mga naghihintay pagkatapos ng ensayo ng Ginebra San Miguel na pinagbigyan niya hanggang sa huling tao. Minsan naman sa isang event sa Masagana Superstore ay inubos niya ang mga taong pumila para makamayan siya bago umuwi.

Si Valdez napakabait din nasa haiskul palang sa UST. Kahit sino ibig kumausap aa kanya ay magiliw na sinasagot kaya hindi tayo nagulat sa paghahambing ni Zarate



Binanggit din ni Noel Z na kaya hindi kabilang si Allysa sa Alas Pilipinas ay dahil may iniindang injury.

Pinipilit lang daw nitong maglaro sa PVL para sa mga tao na nais siyang mapanood.

***

Hindi pabor si Tata Selo sa kalakaran na ayaw na lumaro ng mga player sa huling minuto ng game kung alam na ang siguradong panalo. Yun bang wala ng pag-asa na mabago pa ang resulta kahit ano pa gawin ng dalawang magkatunggali.

Respeto raw iyon sa natatalong team ng lamang na katunggali. Sistema na ito sa NBA at PBA man.

Nitong Game 3 ng PBA semis sa pagitan ng Rain or Shine at San Miguel ay asar na asar si Coach Yeng Guiao ng ROS nang tumira pa ng tres si Terrence Romeo ng SMB kahit ilang segundo na lang ang laban at sure W na ang Beermen. Bastos daw at mayabang si Romeo.

Para sa mga tagahanga tulad ni Tatang na nagbabayad ng mahal para sa game ay nais nila masulit ang gastos at oras. Oo kahit tambak pa labanan. Ke dunk o rainbow shot na wala man depensa ay ibig pa rin nila masaksihan yon. Kung wala man gana na ang mga basketbolista, ang mga nasa venue ay ganado pa makita sila in action.