Advertisers
NAPANATILI ng PLDT ang kanilang walang dungis na preseason rekord sa 25-22, 25-16, 22-25, 25-17 wagi laban sa Choco Mucho sa 2025 PVL on Tour Linggo sa Ilagan City, Isabela.
Umiskor si Majoy Baron ng back-to-back kill blocks para isara ang 4-1 match-clinching run late sa fourth set at palawakin ang kanilang perpek start sa 3-0.
Ang High Speed Hitters ang naging second team na napanalunan ang kanilang first three matches ng tour kasama ang sister-team Cignal sa Pool B.
Tinalo nila ang Fram Fresh at Petro Gazz sa straight sets bago nalasap ang kanilang first set loss sa tournament laban sa naghihirap na Choco Mucho side.
Lima sa PLDT key aces ang umiskor ng double figures.
Kianna Dy at Jovy Prado umiskor ng tig- 15 points, Baron at Kiesha Bedonia nag-ambag ng tig- 14 at Mika Reyes nagdagdag ng 10.
Kim Fajardo nagtala ng 29 excellent sets sa panalo.
Tanging si Choco Mucho rookie Ayesha Juegos lang ang umiskor ng 10-point.