Advertisers

Advertisers

P619 to P 63,705.50!

0 39

Advertisers

‘Yan ang range ng mga halaga ng mga ticket sa Alex Eala Live : Game. Set. Celebrate sa Philippine Arena sa ika-8 ng Disyembre.

Inaasahan mapupuno ang 52,000 seater venue.

Oo, kahit may kamahalan ang cost ng panonood.



Heto kumpletong talaan para sa mga interesadong makita na lumalaban ating tennis sensation ng live.

P618 – Bronze B Side, P824 – Bronze B Center ,



P1,236 – Bronze A, P5665 – Silver B, P7725 – Silver A, P18,026 – Gold, P20,600 – Diamond, P25, 750 – VVIP, at P63,705. 50 – Platinum na may kasamamg Gala Dinner sa ika-7 ng Disyembre.

Bukod sa match kontra sa Indonesian na si Janice Tjen ay maganda rin mga exhibition nina Manny Pacquiao at mga artista. Mga kasama rin sina Anne Curtis, Piolo Pascual, Andrea Brillantes, Donny Pangilinan at Julia Barretto



Malamang ay ito ang babasag sa rekord ng laban nina Rafael Nadal at Roger Federer sa Cape Town Stadium taong 2020 na 51, 954 katao ang sumaksi.

Feast of the Immaculate Conception ang araw na yan kaya hindi naman siguro gaanoon katrapik. Alam natin na heavy traffic sa lugar kapag may palabas o game.

Umaga pa lang ng 10:30 ay bukas na ang arena. 1 :30 ng hapon ay mga maglalaro na.

Ikaw, nood ka? Bilisan mo at baka magkaubusan ng ticket.

***

Sa UAAP ay kulelat ang UE Red Warriors. Wala pa silang panalo kaya 0-5 sa standings.

Samantala ang UST Growling Tigers na noon pang 2016 ang huling korona ay may 2-3 lang na kartada.

Ang namamayagpag ay ang FEU Tamaraws na 4-1. Gayon din ang NU Bulldogs na 4-2.

Nasa gitna lang DLSU Green Archers at UP Maroons na nagharap sa finals noong isang taon. May kapwa 3-2 silang dalawa.

Mahigpit ang season. Liban sa UE ay pasok pa lahat sa race to Final Four.

***

Sa unang laro ni LeBron James bilang 76er ay nagtala siya ng sampuntg puntos sa loob ng 18 minutos sa first half. Naibuslo niya ang kaisa-isang tira at lahat ng free throw niya. Nag-ambag din siya ng apat na rebound at limang assist pati isang steal.

“Nanibago lang ako sa suot kong uniporme pagkatapos ng walong taon sa Lakers,” kwento ni LBJ.

Kaso talo sila sa game vs Brooklyn.

Ibig sabihin ay nasa kondisyon pa rin ang pinakamatandang aktibong player sa NBA sa kanyang ika- 24th season.