Advertisers

Advertisers

MARVELOUS MARLON MANALO AT ANG LAUNCHING NG BAGONG PRO BILLIARDS LEAGUE SA BANSA

0 40

Advertisers

ISANG rumerepekeng pagsargo para sa pagsambulat ng bagong professional billiards league na nakatakdang ilunsad sa susunod na buwan ng Disyembre sa Quezon City.

Dalawampu’t apat na mga batikang billiards players ang tutumbok para sa inaugural na season ng P5 million prize pool sa unang edisyong lalarga sa kaagahan ng susunod na taong 2027.

Bahagi ng paglulunsad ng Sargo Ph ang Strategic Partnership Signing ng IEST, Xchange Bet at Sargo Ph.



“This is a new chapter for Philippine Billiards dedicated to elevating Philippine Pro billiards and showcasing world class Filipino talent’, thumbs up na reaksyon ng Isa sa billiards icon sa bansa na si International medalist at national billiards and snooker multi medalist Kap Marlon ‘ Marvelous Manalo na thumbs up sa pag silang ng bagong kabanata sa larangan ng pro- billiards. Mismo!

***



Philippine Encounter Champioship
PINOY BET VS GERMAN
FIGHTER SA PEC MMA SUPER
FIGHT MAIN EVENT SA QC

MAGTATAGISAN ng lakas, tapang at talento ang dalawang pambatong Mixed Martial Artists mula Germany kontra host Pilipinas sa pagsambulat ng Philippine Encounter Championship Search for more Filipino Heroes 52 sa Super Fight na raratsada sa Disyembre 12,2026 sa Commonwealth, Quezon City.



Ayon kay event organizer Asian Games ’06 Doha, Qatar wushu gold medalist Rene Catalan, masasaksihan ang eksplosibong encuentro sa MMA SUPER Fight Main Event 180 pounder ang bakbakan nina local best bet Noel Gatchalian ng Pilipinas kontra mapanganib na dayuhang si Ryan’ The Goal Briese ng Germany.

“Sakto ang match – up nila. Lakas kontra bilis ang Magtutunggali Kaya Mara pat itong masasaksihan ng buong MMA at fight fans sa buong bansa. Sa Disyembre 12.. Encuentro na! “, pahayag ni Catalan PEC at Sudokwan founding chairman, owner ng Catalan Fighting System katuwang si executive secretary Brookeshields Imperial at secretary Meamore Dungngo.

Isa pang Super Fight ang nakakasa sa pagitan nina Waray fighter Virgilio Ebajo vs Jericho Dimpaz kasunod ng MMA Super Fight nina Dominic ‘Tangke Canon kontra Aaron Mahinay.

Tunghayan din ang matinding fight card na kinabibilangan nina Kurt Estandian vs Diyan Avipam sa MMA 70 Kg., John Warlito Porras vs Jarib Junair Islam sa MMA + Kg, Leovic Emboltorio vs John Absin sa MMA 120 lbs., John Wayne Castillano vs Rex Lacbayen sa MMA Super Fight 50+ Kg.at Niel del Rosario vs Haru sa MMA 135 lbs.

Suportado rin ang big day event kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Catalan, ng Sudokwan Association, Inc., Catalan Fighting System, PEC, Brgy. Commonwealth, Quezon City LGU at Indiaca Federation Philippines.