Advertisers

Advertisers

EAC napuwersa ang rubber match vs San Beda

0 8

Advertisers

KINASTIGO ng Emilio Aguinaldo College (EAC) ang San Beda University, 75-64, para sa kanilang unang panalo laban sa defending champions sa loob ng dalawang taon at naitawid ang kanilang best-of-three semifinal series sa 1-1 sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament Huwebes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Lungsod ng Pasay.

Huling nagwagi ang EAC Generals laban sa Red Lions noong Setyembre 2024, kaya’t ang panalo nila nitong Huwebes ng gabi ay pangalawa lang nilang panalo laban sa San Beda mula nang sumali sila sa NCAA noong 2009.

Nanalo ang San Beda sa Game 1, 85-83, noong nakaraang Lunes pero sa Game 2, ipinakita ng Generals na mas gutom silang manalo.



Pinangunahan ni MJ Raymundo ang opensa ng Generals sa iniskor na 20 puntos, walong rebounds, at tatlong assists habang nagdagdag sina Joseph Nunag at Jude Bagay ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Umasa ang San Beda sa 14-puntos ni Bismarck Lina at 12-puntos kontribusyon ni RC Calimag, pero hindi ito sapat para tapusin ang serye.



Maghahabol ang San Beda at EAC para sa pwesto sa finals sa Lunes sa parehong lugar.