Advertisers

Advertisers

Farm Fresh vs Creamline sa PVL finals

0 6

Advertisers

PUMALAG ang Farm Fresh Foxies at ginulat ang dating walang talo na Nxled, 26-24, 25-16, 23-25, 17-25, 15-11, para makapasok sa finals ng 2026-27 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference-Siklab Series Huwebes ng gabi sa PhilSports Arena sa Lungsod ng Pasig.

Ang top-seeded Chameleons, na pumasok sa semifinals na may twice-to-beat advantage, ay natalo sa fourth-seeded na Foxies at ngayon ay maglalaro para sa laban para sa ikatlong pwesto laban sa Choco Mucho Flying Titans ngayong Sabado.

Ito ang pinakamagandang performance ng Farm Fresh franchise mula nang magsimula ito noong 2023 sa liga. Makalalaban nila ang Creamline sa championship round.



Pinangunahan ni Alohi Robins-Hardy ang Farm Fresh sa pamamagitan ng 27 mahusay na set kasama ang apat na puntos para kilalanin bilang player of the game, at inanunsyo rin niya ang kanyang pagreretiro sa volleyball pagkatapos ng Siklab Series.

Si Robins-Hardy ay isang 30–year-old Filipino-American ay unang naglaro sa Cignal mula 2019 hanggang 2021. Pagkatapos ng tatlong taon ng paglalaro sa isang French club, bumalik siya sa Philippine volleyball scene at naglaro para sa Farm Fresh.