Advertisers

Advertisers

ITINATAMPOK: ROBERT ACE BARBERS

0 28

Advertisers

KAHIT natapos ni Robert Ace Barbers noong 2025 ang kanyang termino bilang kinatawan ng Surigao del Norte sa Camara de Representantes, tinawag siya ng mga dating kasamahan sa Camara upang tumulong bilang tagapayo at tagapagsalita ng Prosecution Panel na umuusig kasalukuyan kay Misfit Sara sa Senate Impeachment Court (SIC).

Hindi abogado si Barbers, ngunit may angking kasanayan at talino upang makipagtalastasan sa madla hinggil sa paglilitis ni Misfit Sara sa SIC. Dahil bihasa sa wikang Cebuano si Barbers, isang sa kanyang pangunahing tungkulin na ipaliwanag ang isyu at detalye sa mga mamamayan ng Mindanao sa wikang kanilang kasanayan sa pakikipagtalastasan.

Naatasan si Barbers nga mga dating kasamang mambabatas na ipaliwanag sa mga ordinaryong mamamayan ang paglilitis ni Misfit Sara sa salitang nauunawaan nila. May kakayahan si Barbers na ipaliwanag ang mga malalim na salitang tanging mga abogado lang ang nakakaunawa sa wika ng masa. Isa iyan sa kasanayan ni Barbers.



Hindi nakapagtataka na pagkatiwalaan si Barbers ng mga kasamang mambabatas sa Kongreso. Naglingkod siya bilang kongresista na anim na bases (18 taon), at gobernador ng Surigao del Norte. Bilang kongresista, namuno siya sa ilang inisyatiba sa mga isyu ng illegal drugs, public safety and order, foreign affairs, natural resources, at turismo. Naging hepe siya ng iba’t ibang komite sa Camara. Isa ito sa mga dahilan sa kanyang kasanayan sa samu’t saring isyu ng bansa.

Kinilala si Barbers bilang presiding chair ng Quadrilateral Committee (QuadCom) na binuo ng Camara noong 2024 upang talakayan ang mga mahahalagang isyu na humarap sa bansa noong mga panahon na iyon: ilegal na droga, pananatili ng POGO sa bansa, maramihang pagpatay, o EJKs, isyu ni Alice Guo, at karapatang pantao.



Hindi makakalimutan ang serye ng 13 public hearing ng QuadCom na tumagal ng 12 oras kada pulong kung saan hinimay at tinuklas ang mga hiwaga sa ilang piling usapin na pilit itinago ng mga sangkot sa kanila. Napaamin si Gongdi sa isang public hearing ng QuadCom na siya ang nag-utos ng mga extrajudicial killings (EJKs) sa mga pinaghihinalaang tulak at adik sa madugo ngunit bigong giyera kontra droga noong siya ang pangulo.

Sa pamumuno ni Barbers, napaamin rin si retiradong Col. at dating general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Royina Garma sa public hearing ng QuadCom na si Bong Go ang nagbigay ng pondo bilang pabuya at gantimpala sa mga pulis na sangkot sa war on drugs ni Gongdi. Sa QuaddCom rin lumutang ang mga dahilan sa pagpatay kay dating Gen. Wesley Barayuga na nagsilbing corporate secretary ng PCSO.



Sa mahabang panahon na naglingkod siya bilang kinatawan ng Surigao del Norte, ipinakita ni Barbers na wala siyang kinatatakutan o sinasamba bilang panginoon. Nananaig sa kanya ang pagiging isang mambabatas na may malayang pag-iisip at kapasidad na magpasya para sa kapakanan ng bansa.

***

MGA PILING SALITA: “KUNG hindi ba isang malaking kahangalan na payagan natin dumagsa ang mga POGO companies at mga Intsik sa bansa. Nang pinaalis na natin sila dahil pinagsamantalahan tayo at wala tayong napala sa kanila, ang China pa ang galit. Tayo pa ngayon ang masama. Blacklisted pa tayo. Hindi natin kailangan ang China. Isang rogue nation iyan… Kinukuha ang ating yaman sa tulong ng mga Makapili at taksil sa bayan tulad ni Rodrigo Duterte, Bato, Bong Go, Sara, Robin, Imee, Francis at iba pang senador at mambabatas. “ – PL, netizen, kritiko

“Kinikilabutan ako kapag tinawag si Camoteng Robin ng “Your Honor.” May karangalan pala ang tanga. Hindi alam ang trabaho niya.” – PL, netizen, kritiko

***

POST ko ito sa social media noong 2024. Pakibasa:

VICTIM ‘DIED’ OF BRONCHOPNEUMONIA, NOT GUNSHOT WOUND

ONE of the aggrieved parties, who appeared in the QuadComm public hearing today is Jose Baylon, the father of 10-year old Lenin Baylon, who was shot dead by police operatives in Gongdi’s war on drugs.

In a police operations on Dec. 2, 2016 in a depressed community in Caloocan City, Police operatives shot dead Lenin Baylon, but the cause of his death was listed in the official death certificate as bronchopneumonia, not gunshot wound. His father sought judicial intervention to change the cause of death to the actual cause, which was a gunshot wound inflicted by police operatives. He claimed police forced him to accept the fraudulent death certificate.

The Caloocan City RTC declined, prompting his family to go to the Court of Appeals, which granted the change in 2022. I should know this case because I have included it in my book “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v Rodrigo Duterte Et. Al.” Lenin Baylon was only ten years old when killed and he was never involved in drug trading. He was neither a drug user nor peddler.

Isa pa ito noong 2024:

IN the Epilogue section of my book “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte Et. Al.,” I have predicted that key PNP officials would make a turnaround to tell everything about the bloody but ill-fated war on drugs which Gongdi launched in 2016. Their turnaround is to be expected. I have said they have no choice. By telling the truth, they have to save their skin in exchange for lighter sentences or even acquittal. They have to jettison Gongdi, who is now being cornered for his guilt in the war on drugs.