Advertisers
SINA Mikaela Joy de Guzman at Jewel Angelo Albo ang lumitaw na champions sa singles division ng 2025 Philippine National Badminton Open na ginanap nitong Sabado sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.
De Guzman, na kinatawan ng Ateneo de Manila University, nasungkit ang kanyang ikatlong sunod-sunod na women’s singles title sa straight-sets victory laban kay Christel Rei Fuentispina, 21-13, 21-18.
Sa men’s singles final, University of the Philippines standout Albo ay matagumpay na nadepsahan ang kanyang titulo sa iskor na 21-17, 21-17 wagi kontra Clarence Villaflor—ang kanyang ikalawang dikit na panalo laban sa parehong kalaban sa finals.
Naguwi si Albo ng PHP100,000 premyo.
Ang first at second runnerup ay nakakuha ng PHP50,000 at PHP15,000, ayon sa pagkakasunod.
Philippine Badminton Association (PBAD) secretary-general Carla Lizardo-Sulit at head of development Melvin Nubla, at Jude Turcuato, PLDT and Smart head of sports, ang nag gawad ng gantimpala.