Advertisers

Advertisers

‘CUSTOMS REBOOT’ TARGET NI COMM. ARIEL

0 6,710

Advertisers

DETERMINADO si Bureau of Customs Comm. Ariel Nepomuceno na huwag biguin si PBBM sa tiwala sa kanyang kakayahan na ireporma ang BOC para sa mas epektibong pagtugon sa tatlong malalaking “hamon” nito: makolekta ang higit P958 bilyon na ‘target collection’ ngayong taon, labanan ang ‘smuggling’ at kontrolin ang talamak pa ring korapsyon sa loob nito.

Sa aming kuwentuhan noong Biyernes, kasama sa kanyang reporma ay patuloy na mapataas ang kredibilidad ng ahensiya sa mata ng publiko at pasiglahin pa ang transaksyon sa pantalan, dalawang bagay na apektado ng talamak na ‘conflict of interest’ sa BOC.

“Kalakaran” na kasi ngayon na bukod sa pagiging opisyal/empleyado ng BOC, sila na rin ang ‘customs brokers’ at ‘importer’ ng mga kargamento, hanep!

Sa kabuuan, ‘total reboot’ ang asinta ni Comm. Ariel, kasama na ang planong ‘back-to-mother-unit’ ang lahat ng mga empleyado habang nirerepaso ang kani-kanilang ‘performance.’

Para sumigla ang negosyo, ibabalik ang “pantay-pantay” na pagtrato sa lahat ng ligal na kargamento.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Translation? ‘No more ‘SP’ (special privilege) sa mga “pinagpala” (karamihan ay opisyales ng BOC) at tigil na rin sa milyones na ‘enrollment fee’ ng mga importer sa ilang mga korap na opisyal ng BOC para mabigyan sila ng SP, sistemang naging talamak sa termino ni Pang. Duterte.

Aniya pa, dapat na ring matigil ang estilo ng ilang mga customs examiners/appraisers na garapal kung “tumara” sa mga brokers na kung walang “gaybi” ay “iipitin” at “pahihirapan” ang paglalabas ng mga kargamento ng mga brokers at importers.

Ang payo natin? Huwag ninyong subukan si Comm. Ariel dahil sigurado, “mamalasin” kayo, mga bosing dahil kung hindi ‘administrative case,’ ‘hardship post’ ang babagsakan ninyo, pramis!

Abangan!