Advertisers

Advertisers

ALAS Pilipinas nilampaso ang Australia

0 5

Advertisers

NAARESTO ng ALAS Pilipinas ang unang panalo sa 2024 AVC Challenge Cup for Women.

Ito ay matapos na talunin nila ang Australia 22-25, 25-19, 25-16, 25-20 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Sa unang set ay nagwagi ang Australia subalit pagpasok ng ikalawa hanggang sa ikaapat na set ay hindi na hinayaan pa ng ALAS na mapahiya sa halos 5,000 fans.



Nagtulong-tulong sina Sisi Rondina, Angel Canino, Thea Gagate, at Fifi Sharma para talunin ang Australian team.