Advertisers

Advertisers

Celtics 2-0 na vs Pacers sa East Finals

0 2

Advertisers

TINAPATAN ni Jaylen Brown ang kanyang career playoff-high na 40 points at buhatin ang Boston Celtics sa impresibong 2-0 lead sa NBA Eastern Conference Finals sa iskor na 126-110, sa Game 2 kontra Indiana Pacers sa TD Garden Biyernes ng umaga.

Kumana si Brown ng 14-of-27 mula sa field at pomuste ng five rebounds,two assists at steal.

Napakalaking panalo para sa Celtics, na hinila palayo sa second half at dalawang panalo na lang para tumapak sa NBA finals.



Jayson Tatum at Derrick White nag-ambag ng tig-23 points para sa Boston.

Pascal Siakam umiskor ng 28 points at five rebounds sa mabisa na 13-of-17 shooting para sa Indiana, at nakita si star guard Tyrese Haliburton na umalis sa laro dahil sa left leg soreness.

Ang Game 3 ay gaganapin sa Indianapolis sa Linggo.