Advertisers

Advertisers

Grand Health Caravan isinagawa sa Caloocan

0 5

Advertisers

May kabuuang 829 na residente ang nakatanggap ng libreng serbisyong pangkalusugan mula sa Grand Health Caravan na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa Caloocan City Sports Complex, katuwang ang Department of Health (DOH), Philhealth, Philippine Red Cross, at iba pang health organizations. .

Kabilang sa mga serbisyong inaalok sa nasabing health caravan ang libreng konsultasyon, breast at cervical cancer screening, HIV testing, dental services, at maging ang libreng tulong sa Philhealth registration.



Nagpahayag ng pasasalamat si City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa mga pampubliko at pribadong entidad na nagtulungan upang maging posible ang kaganapan.

“Nagpapasalamat po ako sa iba’t ibang local at national government agencies, kasama ang lahat ng mga institusyong institusyon na naglaan ng panahon upang matagumpay na maidaos ang programang ito. Napakalaking tulong po ang natanggap ng mga Batang Kankaloo dahil sa ating pagtutulungan,” wika ni Mayor Along.

Iginiit din ni Mayor Along na ang mga programang pangkalusugan ay patuloy na magiging prayoridad niya, lalo na ang magbibigay ng libre at accessible na mga opsyon sa kanyang mga nasasakupan.

“Malaki po ang muli na ibinibigay natin sa mga programang pangkalusugan dahil alam ko po ang kahalagahan nito sa mga Batang Kankaloo at sa kanilang mga pamilya,” pahayag pa ni Malapitan.

“Sinisikap po natin ang regular na pagkakaroon ng libreng mga health caravan, kasabay pa ng pagkakaroon ng karagdagang health center sa mga barangay upang mailapit sa ating mga kababayan ang de-kalidad at libreng serbisyong pangkalusugan,” dagdag ni Mayor Along.(BR)