Advertisers

Advertisers

Hepe ng Batangas Police, 8 tauhan sibak sa pagkamatay ng drug suspect

0 12

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng pulisya at walo sa kanyang mga tauhan kaugnay ng pagkamatay ng isang drug suspect sa boundary ng Tiaong, Quezon at San Juan, Batangas noong Mayo 28.
Inilipat na sa Provincial Personnel Holding Center si Lt. Col. Jesus Lintag ng San Juan Police at ang kanyang mga tauhan.



Si Lt. Col. Rommel Sobrido ang pinangalanang San Juan Police officer-in-charge.

Inatasan narin ang isang special investigation team upang matukoy kung lumabag ang mga pulis sa standard operating procedure (SOP) at kung may mga iregularidad sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

Napatay si Bryan Laresma alyas “Balot” nang makipagbarilan umano sa anti-narcotics operatives sa Barangay Lipahan.

Dalawang sachet ng shabu, isang kalibre .38 revolver at mga bala ang narekober sa biktima.

Humingi ng tulong ang mga kaanak ni Laresma sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa bagong autopsy sa salarin.

Hiniling din nila sa Commission on Human Rights (CHR) at House of Representatives na magsagawa ng parallel probes.

Ayon sa kapatid ng biktima, pababa si Laresma sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin.