Advertisers

Advertisers

2 batang magpinsan inilalako ng tiyuhin sa online kalaswaan

0 48

Advertisers

NASAGIP ang dalawang batang magpinsan na wala pang 10-anyos ng mga awtoridad dahil inilalako ng kanilang tiyuhin na miyembro ng LGBTQ+ community sa online kalaswaan sa Zamboanga City.

Sa ulat, naaresto ang tiyuhin sa entrapment operation ng mga awtoridad.

“Siya ‘yung nagkakapera. Mga batang ito, hindi sila aware na ganito ang ginagawa ng kanilang uncle. Kasi gay ito, LGBT ang suspek natin,” ayon kay Police Lieutenant Colonel Mario Baquiran Jr., Officer-in-Charge ng Women and Children Protection Center-Mindanao Field Unit (WCPC-MFU).

Nadiskubre ng WCPC-MFU ang modus ng suspek Mayo 2024 sa pamamagitan ng online patrolling. Ibinebenta ng suspek ang mga hubad na larawan ng dalawang bata sa mga lokal at dayuhan nitong kliyente.

Ang mga magulang ng mga bata, walang kamalay-malay sa ginawa ng suspek sa kanilang mga anak.

“Hindi talaga aware ang mga bata, lalong-lalo na ang parents kasi siguro ginagawa niya sa time na sila lang ang tao sa bahay,” sabi ni Baquiran.

Nahaharap ang suspek sa mga reklamong paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children and Sexual Abuse or Exploitation Material (RA 11930) at Anti-Trafficking in Persons Act (RA 9208).

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek.