Advertisers

Advertisers

TATLO SA 4 PULIS NA DUMUKOT SA 3 CHINESE AT 1 MALAYSIAN, NASANGKOT NA SA IBAT-IBANG KASO

0 13

Advertisers

TATLO sa apat na pulis na kinabibilangan ng isang opisyal na sangkot sa pagdukot sa tatlong Chinese at isang Malaysian national noong June 2, 2024 ay nasangkot na rin sa ibat-ibang kaso, napag-alaman sa ulat kahapon.

Ito ang naging pahayag ni National Capital Region Police Office ( NCRPO ) Regional Director, PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr matapos ang ginawa nilang backtracking laban sa 3 suspek na Pulis

Nabatid sa ulat, ang inirereklamong Police Major na si Christel Villanueva ay dati nang nasuspinde dahil sa kasong less grave neglect of duty at grave misconduct dahil sa violation of domicile noong 2020.



May kinahaharap namang grave misconduct ang nakilalang Police Senior Master Sergeant dahil sa kasong robbery at extortion at natanggal na sa serbisyo noong 2011 subalit nakabalik matapos umapela noong 2019.

Habang ang isa sa Police Staff Sergeant naman ay nasuspinde na rin dahil sa kasong grave misconduct dahil sa evasion through negligence.

Una nang inihayag ni PNP-Internal Affairs Service (IAS) Inspector General, Atty. Brigido Dulay na nagsimula na ang pre-charge investigation laban sa mga sangkot na Pulis.

Ayon kay Dulay, target nilang matapos ang naturang imbestigasyon sa loob ng isa hanggang 2 linggo at matapos nito’y isusunod na nila ang summary dismissal proceedings na tatagal ng 30 days.

Matatandaan na noong June 2, bandang alas 12:30 ng umaga habang lulan ng sasakyan ang apat na banyaga ay hinarang sila ng dalawang police officers lulan ng PNP motorcycle habang ang isang grupo ng armadong lalaki naman ay nakasakay sa isang puting van.

Agad na bumaba ang mga nakasakay sa loob ng van at sapilitang dinukot ang mga biktima mula sa kanilang sasakyan.Dalawa umano sa kanila ang nakapiglas habang ang apat na dayuhan ay naisalya sa kabilang sasakyan ng mga suspek.



Dalawa sa dinukot na Chinese nationals ang pinalaya noong June 3 matapos magbayad ng ransom money na umabot sa PHP 2.5 million . Sa pamamagitan ng backtracking ng closed-circuit television ( CCTV) footage mula sa pinangyarihan ng insidente ay nagresulta ito upang matukoy ang pagkakilanlan ng apat na pulis. (JOJO SADIWA)