Advertisers

Advertisers

Mla City Gov’t, nagbigay ng libreng sakay sa mga commuters

0 9

Advertisers

NAGKALOOB ng libreng sakay ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga apektadong commuters ng isinagawang transport strike.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ang pinuno ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) na si Arnel Angeles ang siyang namahala sa ‘Oplan Libreng Sakay’ na isinagawa ng lungsod bilang tulong sa mga commuters.

Inanunsyo din ng alkalde na payapa naman ang sitwasyon sa Maynila simula ng isagawa ang transport strike noong Lunes.



Sa ulat sa alkalde, sinabi ni Angeles na noong unang araw ng strike noong Lunes, ang pamahalaang lungsod ay nag-deploy ng mga behikulo para masakyan ng mga commuters na stranded.

Ngayon namang Martes ay muling nagpakalat ng mga behikulo si Angeles na nagsimula ng alas-7 ng umaga.

Ayon kay Angeles ang mga sasakyan na ginamit para sa libreng sakay ay Transporter 1 at Transporter 2.

Ito, ayon pa sa alkalde ay sinuportahan pa ng karagdagang walong sasakyan na may kapasidad na makapagsakay ng mas maraming commuters. Ito ay mula sa Manila Police District (MPD) at sa direktiba ni MPD Director, Gen. Arnold Thomas Ibay.

Wala pang eksaktong bilang ang mga commuters na nabigyan ng libreng sakay ng pamahalaan habang sinusulat ang balitang ito dahil tuloy-tuloy pa rin ang libreng sakay.



Sinabi ni Angeles na ang libreng sakay ay sakop ang ruta ng Paco Rotonda-Nagtahan at pabalik. Tanging itong ruta lamang ang apektado ng strike.

Ang ‘Oplan Libreng Sakay’ ay magpapatuloy hanggang Miyerkules mula 7 a.m. hanggang 8:30 p.m. ayon pa rin sa utos ni Lacuna. (ANDI GARCIA)