Advertisers

Advertisers

Dingdong tikom pa sa pagtakbong senador sa 2025

0 15

Advertisers

By Jimi Escala

AYAW magkomento ng Box Office King na si Dingdong Dantes tungkol sa sinasabing pagtakbo niya bilang senador sa 2025 elections.

Isa kasi ang Kapuso aktor na pambato raw ng oposisyon at base sa latest survey ay pasok si Dingdong sa Magic 12.



Kilala si Dingdong sa pagiging matulungin lalo na sa mga kapwa niya artista. Kaya kung mabibigyan ng pagkakataon ay tiyak na karagdagan si Dingdong sa mga nasa pamahalaan na tututukan ang industriya ng pelikula at telebisyon, huh!

Pero paliwanag ni Dingdong na mas gusto raw niyang tutukan ang pamumuno niya ngayon sa Aktor.ph.

“Right now I’m committed to Aktor. Dito talaga ang buong dedication ko for the next three years.

“Yung aking trabaho sa GMA, yung pagiging navy reservist ko rin. Doon nakatutok lahat ng effort ko ngayon,” sey pa ni Dingdong.

Masayang-masaya si Dingdong sa ipinakitang interes ng lahat ng opisyales ng samahan nila gaya nina Piolo Pascual, Iza Calzado, Mylene Dizon, Jasmine Curtis- Smith at iba pang miyembro.



Ang mapaunlad daw ang industriya ay motibo nilang lahat.

“Ang maganda dito, eh di lang naman basta usapan ito na parang ‘lika good time tayo, gawa tayo pelikula’.

“Pinag-usapan namin talaga kung ano ang gusto namin for the future.

“Nakakatuwa talaga like si Piolo is very pro-active sa kung ano ang pwede niyang ma-contribute sa industriya, “ lahad pa ng magaling na aktor at TV host.

***

SPEAKING of Dingdong, isa sa mga dream ni Dingdong ay makasama ang isang Vilma Santos sa pelikula.

Sana nga raw ay mabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng project with the Star for all Seasons.

“Siyempre naman. Sino ba ang ayaw makasama ang isang Ate Vi sa isang project?

“Sa totoo lang, kahit di ko pa siya nakakasama sa pelikula, pero parang nakasama ko na siya forever,” lahad pa ni Dingdong.

“Of course that’s a dream. Sana lang matupad,” sey pa ng Kapuso aktor.

Kaya ba ganun na lang ang pag iindorso sa ninang Vi niya para sa National Artist for film and broadcast?

“Sa totoo lang naman, na sa kanya ang apat na katangian kung bakit nararapat siyang maging National Artist.

“She’s a paragon of professionalism, she’s a cultural champion, she’s a protector of a community and most importantly a nation builder, “ paliwanag pa ni Dingdong.

“Sa panahon ngayon madali tayong maligaw sa napakaraming nangyayari especially for the younger generation.

“Ito yung pamantayan, ito yung parang titingalain natin. I think mas less yung chance na maligaw sa industry na ito,” banggit pa ni Dingdong.