Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PURING-PURI ni Senator Robin Padilla ang pamangkin niyang si Daniel Padilla pagkatapos niyang mapanood ang action series ng Kapamilya na IIncognito, na isa sa mga bida si Daniel.
Sabi ni Sen. Robin,“Bravo! Ngayon ko lang natapos sa Netflix ang Incognito ni pamangkin Daniel Padilla, napakaganda! Napakagaling mo pamangkin kasama ang aking mga kaibigan na sina Ginoong Ian, Ginoong Richard kasama ang iba pang mga bidang ginoo at bidang binibini.
“Napakahusay ninyong lahat sa pag arte, ang inyong mga galaw sa aksyon ay proper at markado ang training. Ang tikas mo pamangkin sigurado ako na proud sa iyo ang mga action star na tatay mo, Lolo Pempe at Uncle Daboy. Saludo ako sa iyo pamangkin.
“Congratulations sa iyong staff, crew, stuntman, stunt director, writer, creative at siempre sa director. Haymabu! Mistah 2 na!”
Ang binanggit na Mistah ni Robin ay ang pelikula niya noon, kaasama ang ama ni Daniel na si Rommel Padilla.
At kung sinabi ni Binoe na Mistah 2 na, ibig sabihin ay may plano siyang magkaroon na ng sequel ang nasabing pelikula. Na parang ipinahihiwatig niya rin na kasama na roon si Daniel.
***
BONGGA ang magka-loveteam na sina Fyang Smith at JM ibarra,huh!
Sa nagdaang Star Magic All Star Games 2025, na ginanap noong Saturday, ay pareho silang tumanggap ng Rookie of The Year.
Si Fyang ay nagwagi sa Women’s Volleyball game kung saan kabilang siya sa Lady Spikers team.
Puring-puri nga ni Fyang ang mga nakasama niya sa team na tinawag niyang good players at good people.
SI JM naman ay para sa basketball game, na kabilang siya sa team na Star Magic Shooting Stars.
Masayang-masaya si JM sa award na kanyang natanggap. At masasabi niya na malaking tulong nga raw ang pag-cheer sa kanya ni Fyang.
Dahil nga kay Fyang ay mas na-motivate pa siya na galingan ang paglalaro.
“Sobrang motivated ako. Ang laki ng hawak niyang banner, sabi ko, ‘Kailangan maka-shoot ako.’ Feeling ko lang sobrang na-motivate ako no’n dahil kay Fyang, sa fans, sa friends,” sey niya sa naganap na Kapamilya Chat.
Isa nga sa mga highlight ng nasabing game ay ang 3-point shoot ni JM.