Advertisers

Advertisers

Awra Briguela pinatapyas ang ilong

0 4

Advertisers

By Anne Venancio

Ibinahagi ni Awra Briguela na sumailalim siya sa rhinoplasty o nose enhancement bilang bahagi ng kanyang personal na pagbabago sa kanyang itsura.

Sa kanyang YouTube vlog na inilabas noong Hulyo 14, sinabi ni Awra na matagal na niyang gustong ipagawa ang kanyang ilong dahil naniniwala siyang mas babagay sa kanya ang isang enhancement.

Ayon sa aktres, hindi naman naging insecurity ang kanyang ilong dahil maganda naman umano ito, ngunit nais niyang magkaroon ng kaunting pagbabago na makatutulong upang mas maging confident siya sa kanyang sarili.

Bago ang operasyon, ipinaalam muna ni Awra ang kanyang desisyon sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Ayon sa kanya, sinuportahan siya ng kanyang ama at ng kaibigan niyang si Zeinab Harake.

Ibinahagi rin ni Awra na una niyang plano na bahagyang ayusin lamang ang kanyang ilong. Gayunman, iminungkahi ng kanyang doktor na ayusin din ang bridge ng kanyang ilong upang maiwasan ang posibleng revision surgery sa hinaharap.

Ang naging peg naman niya para sa kanyang bagong ilong ay ang Spanish model at influencer na si Cindy Kimberly.

Matapos ang operasyon, ipinakita ni Awra ang kanyang kalagayan kung saan makikita ang pamamaga ng kanyang ilong. Ayon sa kanya, kailangan munang hintayin ang healing process bago makita ang final result ng kanyang transformation.