Advertisers
By Anne Venancio
Ipinakita nina John Estrada at dating asawa na si Priscilla Meirelles na posible pa ring magkaroon ng maayos na relasyon matapos ang kanilang paghihiwalay.
Dumalo si John sa opening ng Feta Mediterranean Grocer and Restaurant, kung saan brand manager si Priscilla, bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang dating asawa.
Ayon kay Priscilla, maayos ang kanilang co-parenting at nananatili silang propesyonal sa isa’t isa para sa kapakanan ng kanilang anak.
Kinumpirma rin ni John na maganda na ang kanilang samahan bilang mga magulang ng kanilang 14-anyos na anak na si Anechka.
“Oo naman. She’s the mother of my child, so kung kailangan niya ng suporta, andito ako para sumuporta sa kanila,” pahayag ng aktor.
Nilinaw naman ni John na wala nang posibilidad na muling magbalikan ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Ayon sa aktor, naging maayos ang kanilang co-parenting dahil sa bukas na komunikasyon at pagrespeto sa isa’t isa. Aniya, natutunan nilang isantabi ang kanilang personal na hindi pagkakaunawaan upang unahin ang kapakanan ng kanilang anak.
Dagdag pa ni John, mahalaga ang respeto, katapatan, at maayos na pakikipag-usap upang maging matagumpay ang pagpapalaki sa kanilang anak. Binigyang-diin din niya na mananatili siyang handang suportahan ang kanyang mga anak sa anumang panahon.