Advertisers

Advertisers

Malalantad na ang bank records ni VP Sara

0 1,401

Advertisers

INAPRUBAHAN ng Senate Impeachment Court ang paglabas sa bank records ni Vice President Sara Duterte, matapos ang matinding balitaktakan nina House prosecutor Chel Diokno at magkapatid na Senator-Judge Alan at Pia Cayetano at Sen-Judge Robin Padilla sa day 7 ng Impeachment Trial nung Lunes, July 20.
Sinukat ng husto ng Cayetano siblings ang expertise sa batas ni Diokno. Pero sobrang galing ng huli, very chill sa pagsagot at pagpaliwanag ng mga batas sa impeachment. Resulta: Nakumbinsi ang Presiding Officer Chiz Escudero na i-subpoena ang bank records ng pangalawang pangulo mula nang siya’y alkalde ng Davao City hanggang maging Bise Presidente.
Dahil dito malalantad ang laman ng bank accounts ni VP Sara at ng kanyang mister na si Atty. Mans Carpio.
Si Mans ay maraming beses nabanggit ang pangalan sa mga katiwalian sa Bureau of Customs (BoC) noong pangulo ang ama ni  ni Sara, si Digong Duterte.
Actually, maraming beses narin nalantad sa publiko ang laman ng bank accounts ng mag-asawang Sara at Mans, at joint accounts ng mag-amang Sara at Digong. Makiita pa nga ito ngayon sa Google.
Pero siempre iba ‘pag Impeachment Court na ang naglantad nito sa publiko, maging kapani-paniwala dahil athentic ang kopya mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Hiniling din ng prosecutors kay Pangulong Bongbong arcos na buksan ang tax records ng mag-asawang Sara at Mans para makita kung nagbabayad ito ng tamang tax. Araguy!
Wala pang sagot ang Malakanyang sa hirit ng prosecution na todong kinokonta ng depensa at DDS Senator-Judges (Cayetano siblings, Padilla, Loren Legarda at Villar siblings), na gagawa raw ng objection letter sa pagbukas sa bank at tax records ni Sara.
Kapag inayunan ni PBBM ang pagbukas sa tax records ng mag-asawang Sara at Mans, mabubunyag ang talagang yaman ng mag-asawa.
***
Nakatakdang humarap ngayon sa Impeachment Court si NBI Director Melvin Matibag.
Si Matibag daw ang susi ng mga nakalap sa imbestigasyon ng NBI sa matinding banta ni VP Sara sa buhay nina Pangulong BBM, First Lady Liza at dating House Speaker Martin Romualdez.
Matatandaan na sinabi ni Matibag na tukoy na nila ang taong kinontak ni VP Sara para pumatay kina PBBM, FL Liza at Romualdez.
Sino kaya ang taong iyon?
Subaybayan ang pagdinig ng Impeachment Court ngayon.
***
Iginiit ni Senator Robin Padilla na nakapagsumite siya ng counter affidavit sa Ombudsman kaugnay ng kinakaharap na kasong Obstruction of Justice, pagtakas niya kay Sen. Bato dela Rosa mula sa kostudya ng Senado noong Mayo 14.
Ipinakita pa ni Padilla sa kanyang manifestitation sa Impeachment Court ang kopya ng kanyang affidavit.
Pero iginiit ng Ombudsman walang rekord na nagsumite ng kanyang affidavit si Padilla. Arrest warrant next…