Advertisers

Advertisers

Barbie bagong Horror Queen!

0 22

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ANG husay-husay ni Barbie Forteza sa horror film na “P77”!

Napanood namin ang pelikula sa red carpet premiere nito sa Cinema 3 ng SM The Block nitong Lunes, July 28 at hindi kami bumitiw sa movie mula simula hanggang matapos.

May mga twists and turns ang pelikula na sa umpisa ay mapapatanong ka ng, ‘Ay, bakit ganoon?’

Pero habang tumatakbo ang kuwento hanggang matapos na ay very satisfied kami sa kabuuan at kalinawan ng istorya ng movie ni direk Derick Cabrido.

Banggit namin kay Barbie, siya na ang dapat taguriang bagong “Horror Queen” dahil sa epektibo niyang pagganap sa pelikula bilang si Luna.

Very humble naman ang Sparkle actress sa pagsasabing ang iniisip muna niya ay ang showing ng pelikula nila at hindi ang anumang titulong ibibigay sa kanya.

Mentally, physically at acting-wise ay nakakapagod ang papel ni Barbie, as in kung mahina ang aktres na natokahan sa role ay baka hindi nagampanan nang maayos.

Pero si Barbie, dahil noon pa man ay kilala na bilang mahusay na aktres, naitawid niya ang pelikula with flying colors!

Ang child actor na si Euwenn Mikael, halos bida rin sa “P77” and as always, ang husay ng bagets!

Mula sa “Firefly” noong MMFF 2023 kung saan si Alessandra de Rossi ang madalas niyang kaeksena hanggang dito sa “P77”, walang duda, hindi nan-disappoint si Euwenn; siya ang pinakamahusay na batang aktor sa kasalukuyan!

Wala ring tapon sa supporting cast ng “P77” na sina Rosanna Roces, Jackielou Blanco, Carlitos Siguion-Reyna at Miss Gina Pareño. Bravo!

Kahit yung halos newbie pa lamang sa showbiz na si JC Alcantara, napakagaling din.

Hindi rin matatawaran ang cinematography ng “P77”, maging ang production design, napakalaki ng naitulong para buuin ang takot factor ng pelikula na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Mula sa GMA Pictures at GMA Public Affaurs ang “P77”.

***

Nagbalik-tanaw si Lani Misalucha sa pagsubok na pinagdaanan nila ng asawa niyang si Noli halos limang taon na ang nakalilipas; ang pagkakaroon ng bacterial meningitis.

“After nung lumabas na kami sa hospital na-realize ko nga na talagang hindi na ko nakakarinig, even yung speaking voice ko, pag nagsasalita ako hindi ko nadidinig, it’s very muffled, as if I was covering my mouth.

“So ganun talaga kahirap.

“And hindi lang ito ano e, ang nangyari sa amin… actually kaming dalawang mag-asawa iyon, yung nangyari sa amin na deafness, e hindi lang nawala yung pandinig, it was really weird and it’s kinda hard to explain because masyado kaming sensitive sa mga high frequency.

“So naging ganun yung ano namin for about almost a year. So lahat muffled, lahat distorted, lahat parang static yung dating sa pandinig namin.

“So sabi ko sa sarili ko, ‘My gosh is it going to go on like this for the rest of my life? Is it going to be this kind of situation will I be in?’

“Nung medyo ano, nung unti-unting nawawala yung pagka-muffled, medyo unti-unting nababawasan yung sensitivity sa high frequency and then sabi ko, ‘Okay now I have to try to talk more or to sing more’, just to reboot kumbaga.

“So yung mga time na yun, I was like re-training myself, that was the thing that I was trying to do before, parang I’m trying to re-learn how to sing again, ganun kahirap sa totoo lang.

“Sinabi ko sa sarili ko, ‘Kailangan mong mabuhay sa ganitong klaseng sitwasyon mo sa buhay.’

“Ganun yung ginagawa kong proseso.

“Number 1, accept, in-accept ko na yung ganitong klaseng sitwasyon and just really try to work around it.

“So ang inaano ko sa ngayon ha, minsan nga parang bago ko kantahin ang isang nota parang inaano ko na… alam mo yun, parang muscle memory kumbaga, parang inaano na eto yung tono, parang ganun, parang ganun yung ginagawa ko.

“Pero nung before noon? Oh my goodness! As if yung pagkanta ko hinuhulaan ko, I’m not kidding, kasi yung lahat ng sound or music na nadidinig ko noon hindi siya precise, alam mo yun?

“But now, somehow a little bit, medyo unti-unti, kaya ginagalingan ko na lang sumayaw. Ha! Ha! Ha!”

Dahil kahit papaano ay medyo bumuti na ang kalagayan ni Lani (although hindi pa rin siya tuluyang gumagaling) may major concert ang Asia’s Nightingale, ang Still Lani concert na magaganap sa August 21 sa The Theater at Solaire kung saan mga guest performers ay ang Ben&Ben, ang pop duo na sina Leanne & Naara, si Shaira Opsimar, at si Paeng Sudayan.

Produced ng Backstage Entertainment (with executive producer Atty. Nate Quijano) ang Still Lani ay sa direksyon ni Calvin Neria at ang musical director ay si Toma Cayabyab, na anak na lalaki ng National Artist for Music na si Ryan Cayabyab.

Samantala, regular na napapanood si Lani bilang judge sa The Clash ng GMA.