Advertisers

Advertisers

900 kabahayan nilamon ng apoy sa Cavite

0 18

Advertisers

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi at halaga ng mga ari-arian na nilamon ng apoy sa nangyaring sunog na tumupok sa nasa humigit kumulang sa 900 kabahayan na karamihan gawa sa light materials na nagsimula 3:00 ng hapon nitong Linggo sa Barangay 7 at Barangay 5 ng Dalahican sa Lungsod ng Cavite.

Ayon pa sa imbestigasyon ng mga kagawad ng pamatay sunog umakyat hanggang sa ikaapat na alarma ang sunog 3:00 ng hapon na kung saan rumesponde na rin ang lahat ng mga bumbero sa iba’t-ibang bayan sa Cavite at idineklarang fire under control bago mag-5:00 ng hapon.

Napilitan naman tumawid ng dagat ang ibang mga nagsilikas gamit ang kani-kanilang mga bangka habang ang iba naman nagkanya-kanya ng pagsalba sa kanilang mga gamit at alagang hayop upang mailigtas.



Nanawagan ngayon ng tulong ang Mayor ng Cavite city na si Mayor Denver Chua, para sa mga nasunugan niyang mga kababayan. (Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">