Advertisers

Advertisers

Kamara all-set na sa SONA 2024 ni PBBM

0 23

Advertisers

NAKAHANDA na ang House of Representatives para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa darating na July 22,2024.

Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco bagama’t patuloy pa ang pag-aayos, nakahanda na sila para sa ulat ng bayan ng Punong Ehekutibo.

Nitong Lunes nagpulong ang Inter-Agency Coordination Committee para i-finalized ang preparasyon para sa Hulyo 22.



Nagsagawa rin ng walkthrough para malaman kung saan dadaanan ang pangulo, magpahinga ang first family, at ang magiging puwesto ng lahat ng mga guest.

Nagsagawa rin ng simulation para sa magiging protocol sa pagdating ng Pangulong Marcos at first family at iba pang mga guest.



Ang aktibidad ay pinangunahan ng Office of the President, Presidential Communications Office, House of Representatives, Senate, Presidential Security Command, PNP, AFP, at iba pang mga concerned agencies.

Sa panayam kay House Secretary General Reginald Velasco, sinabi nito na in-placed na rin ang lahat maging ang sa usapin sa seguridad.



Mahigpit ang seguridad na ipatutupad sa loob at labas ng Batasan Pambansa.

Ayon sa Inter-Agency Coordination Committee nasa 22,000 uniformed personnel ang idedeploy sa SONA.

Dagdag pa ni Velasco, ang kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA ay ang multi-awarded singer Blessie May Abagat. (Vanz Fernandez)