Advertisers

Advertisers

Magdyowa patay sa bangga ng truck, isa sugatan

0 18

Advertisers

Dead on the spot ang isang lalaki at angkas nitong babae at sugatan ang isa pang angkas na isang dalagita nang masalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo ng tractor head sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Agad binawian ng buhay sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina alyas ‘John Paul’, 29; at alyas ‘Diane’, 18; habang ginagamot naman sa Caloocan City Medical Center ang 15-anyos na dalagita, pawang residente ng Brgy. 8, ng lungsod.

Mahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Physical Injury ang driver ng tractor head na may trailer chassis na si alyas ‘Telesforo’, 45, at residente ng Dasmariñas, Cavite .



Sa ulat kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, 2:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa intersection ng Dagat-Dagatan Avenue at Lapu-Lapu Extension, Brgy. 12 ng lungsod.

Sa ulat, sakay ang mga biktima sa isang Honda Click motorcycle na minamaneho ni ‘John Paul’ habang binabagtas ang pagitan ng Lapu-Lapu at Dagat-Dagtan Avenue at pagsapit sa intersection ng naturang lugar sinalpok ang mga biktima ng tractor head na minamaneho ni ‘Telesforo’ na patungo sa C3 Road.



Sa lakas ng impak, nasagasaan ng kaliwang bahagi ng likurang gulong ng dalawang biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay habang isinugod naman ang dalagita sa naturang pagamutan.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">