Advertisers

Advertisers

Tsekwa aarestuhin nagbaril-patay

0 19

Advertisers

NAGBARIL sa sarili habang inaaresto ang isang Chinese na miyembro ng kidnap gang kasama ang dalawa pang kasamahan sa isang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na naganap ang insidente sa loob ng isang condominium building sa Angeles City kung saan isinagawa ang pagsalakay ng mga ahente ng BI fugitive search unit dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws.

Pero imbes na sumuko ang mga ito tinangka nilang tumakas kaya nagkaroon ng habulan kung saan naaresto ang dalawa na kinilalang si Feng Zhengheng, 29; at Chou Yibo, 33 habang ang kasamahan nila na si Wu Fu Wen, 35 ang nagbaril sa sarili na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Isang pang overstaying na Chinese woman na si Wang Yan, 25, ay inaresto rin sa nasabing operasyon.

Sinabi ni Tansingco na ang mga Chinese national na ito ang pangunahing suspek sa pagpatay ng siyam na dayuhan na itinapon sa iba’t-ibang lugar sa Pampanga.

Anim dito sa pinatay ang mga Chinese national habang tatlo ay mula sa Vietnam, Malaysia at Japan.

Dumating ang mga ito sa Pilipinas noong 2019, hindi na umalis at hindi rin nagtangkang mag-apply ng extension sa kanilang pamamalagi.

“They will remain in our detention facility until the criminal cases filed against them are resolved by the court as they will also be facing deportation charges,” ayon s a BI chief. (Jocelyn Domenden)