Advertisers
MAHIGIT sa 50 CEB volunteers ng Cebu Pacific Air ang nag-alay ng kanilang oras kung saan nilinis nila ang mga silid-aralan, pininturahan ang mga dingding, at pinahusay ang espasyo sa hardin upang lumikha ng mas nakakaengganyo at kaaya-ayang espasyo para sa pag-aaral ng mga estudyante ng Andres Bonifacio Elementary School (ABES ) sa lungsod ng Pasay.
Sinabi ni Felix Lopez, CEB Human Resource Officer na kinikilala ng Cebu Pacific ang kahalagahan ng pagsuporta sa edukasyon para sa pambansang kaunlaran. Sa pamamagitan ng pag-aambag sa edukasyon, nakakatulong ang airline na bumuo ng mas may kaalaman at skilled workforce para sa hinaharap. Dagdag pa, ang inisyatiba na ito ay hindi lamang nakikinabang sa mga paaralan kundi nagpapalakas din sa mga komunidad.
Ipinahayag ni Leonardo Balaguer, punong-guro ng ABES, ang kanyang pasasalamat sa suporta ng airline at sa pagsisimula ng school year ay mahalaga na ang mga bata ay magkaroon ng positibo at maayos na lugar para matuto.
Ang CEB, sa pakikipagtulungan sa Gokongwei Brothers Foundation (GBF), ay nagpaabot din ng suporta nito sa sampung iba pang paaralan sa buong bansa. Ang mga paaralang ito, na nominado ng mga empleyado ng airline, ay nakatanggap ng mahahalagang supply, muwebles, at appliances.
Sa pamamagitan ng mga pagsisikap na ito, hindi lamang pinapahusay ng CEB ang kapaligiran ng pag-aaral para sa mga mag-aaral kundi pinalalakas din ang ugnayan sa mga komunidad na pinaglilingkuran nito. (JOJO SADIWA)