Advertisers

Advertisers

Mga Pinoy repatriates mula Lebanon makakatanggap ng P150K tulong pinansyal – DMW

0 8

Advertisers

INIHAYAG ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na pagkakalooban ng P150,000 financial assistance ang mga Filipino na nais umuwi sa bansa dahil sa nagaganap na tensyon sa Lebanon.

Sinabi ni Cacdac na kanilang dinoble ang ipagkakaloob na ayuda para sa mga Pinoy repatriates dahil din sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aralan ang financial rates.

Kinumpirma rin ni Cacdac na bago magtapos ang linggong ito nakatakdang dumating sa bansa ang nasa 45 Filipino repatriates.



Sa ngayon ay sumasailalim sa Lebanese procedures ang mga ito.

Una nang inihayag ni Cacdac na nasa 1,000 mga Filipino sa Lebanon ang nagpahayag ng interes na i-avail ang repatriation.

Sa ngayon mahigpit na mino-monitor ng DMW ang nasa 100 Filipino na nasa siyudad ng southern Lebanon.

Klinaro naman ni Cacdac na sakop din sa pinansiyal na tulong ang mga undocumented Filipinos.

Pagdating sa bansa, sasailalim ang mga ito sa physical check-up at psychosocial counselling na ibibigay ng DOH sa kanilang pagdating. (Vanz Fernandez)