Advertisers

Advertisers

Malakanyang pinakakansela na pasaporte ni Guo

0 14

Advertisers

INIUTOS ng Office of the President na kanselahin ang pasaporte nina dismissed mayor Alice Guo at kaniyang mga kapatid na sina Wesley Guo at Cassandra Ong.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang isang memorandum order na may petsa Agosto 20, 2024 na in-address kina Foreign Secretary Enrique Manalo, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kanselahin ang kanilang mga pasaporte.

Nitong Agosto 19 napaulat na ang sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kilala rin na isang Chinese national na si “Guo Hua Ping” ay nakalabas na ng bansa.



Sinasabing ginamit ang kaniyang Philippine passport at lumabas ng bansa patungong Malaysia. At nakipagkita sa kaniyang pamilya sa Singapore at matapos ay lumipad patungong Indonesia.

Kamakailan nag-isyu ng arrest warrant ang Senado laban kay Guo sa kaniyang pamilya dahil sa hindi paglitaw sa hearing kahit na nagbigay na ng mga notices.



Sa memo nakasaad na karapat-dapat tandaan na sa kasalukuyan, ang Senado ay naglabas ng warrant of arrest laban kay Guo at sa kanyang pamilya dahil sa labis na pagtanggi na humarap, sa kabila ng mga nararapat na abiso sa pagsisiyasat nito sa mga iligal na aktibidad ng Philippine Offshore gaming operators (POGO), isang kriminal na reklamo ang isinampa laban sa kanya. Para sa mga qualified trafficking at iba pang mga kaso ay inihahanda rin para sa umano’y pagkakasangkot sa mga operasyon ng POGo.

Si Cassandra Ong, isa sa mga individual na nakilala ni Guo sa Singapore ay binanggit din bilang pag-contempt ng kapulungan ng mga kinatawan.



Sa ilalim ng Republic Act No. 11983 na kilala rin bilang “Bagong Philippine passport act” ang DFA Secretary ay maaaring magkansela ng pasaporte para sa interes ng pambansang seguridad. Sa ilalim ng parehong batas ang isa sa mga batayan para sa pagkansela ng isang Philippine passport ay kapag ang korte ay naglabas ng utos para sa pagkansela nito ng mga pasaporte ng Pilipinas ng Guo family at nakalagay din ang mga detalye ng kanilang pasaporte. (Vanz Fernandez)