Advertisers
Nakatanggap ng mga papuri ang administrasyon ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan mula sa kanyang mga nasasakupan dahil nagpapakita ang July 2024 survey ng Social Weather Stations (SWS) na apat sa bawat limang mamamayan ng Caloocan nasisiyahan sa kanyang pamumuno at tatak ng pamamahala.
Ayon sa survey ng SWS, inilarawan si Mayor Along bilang isang “great leader” na may tatak ng pamamahala na “productive”, “helpful”, “efficient”, at “approachable” sa pangkalahatang publiko.
Malaki ang pasasalamat ni Mayor Along sa kanyang mga nasasakupan sa patuloy na pagtitiwala na ibinibigay nila sa kanyang pamumuno at iginiit ang people-centric programs ng pamahalaang lungsod bilang isa sa mga dahilan kung bakit masaya at nasisiyahan ang mga mamamayan sa kanyang pagganap bilang local chief executive.
“Sa mga Batang Kankaloo, maraming-maraming salamat po sa patuloy na lakas ng inyong tiwala sa ating pamumuno at sa kakayahan natin na gabayan ang lungsod na mas maging maunlad at matiwasay para sa inyong lahat,” wika ni Mayor Along.
“Lagi nating inuuna ang kapakanan ng ating mga mamamayan. Mula sa Php 500 cash gift at birthday package para sa mga lolo at lola, sa paglalagay ng streetlights sa mga komunidad, hanggang sa pagkaaron ng mahusay na programa upang tumugon sa mga sakuna, lahat po ng ito ay para sa inyo, mga Batang Kankaloo,” pahayag ni Mayor Along.
Gayundin, dapat niyang ibalik ang tiwala at suporta ng mga tao sa pamamagitan ng pagdoble sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod na unahin ang abot at bisa ng mga programang ipinatutupad nito.
“Kayo po ang dahilan kung bakit mas nagpupursigi ang lahat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod kaya asahan niyo po na mas palalakasin pa natin ang pagbibigay ng tulong sa mga proyektong tututok sa inyong mga pangangailangan,” wika pa ni Mayor Along.
Dati, ipinakita sa April 5-10 survey ng SWS na si Mayor Along, kasama si District 1 Representative Cong. Oca Malapitan ang “pinaka pinagkakatiwalaang lingkod-bayan sa lungsod”.(BR)